Angel Locsin, May Banat Sa Mga Artistang Hanggang Instagram Lang.
May panawagan ang aktress na si Angel Locsin para sa mga kasamahan niyang artista na hindi umano nagsasalita tungkol sa issue ng prangkisa ng ABS-CBN.
Ayon kay Angel, wala umano siyang kontrata sa ABS-CBN, may utang na loob umano siya lalo na nuong panahong walang wala umano ang kaniyang pamliya.
Panawagan niya sa mga taong nakilahok sa rally na ginaganap sa harapan ng compound ng ABS-CBN na huwag umano silang matakot na magsalita.
Buwelta naman niya sa mga kasamahang artista na hindi nagsasalita, tanong niya kung may career pa ba ang mga ito. Kahit umano ano pa ang gawin nito, "Magpa-cute,mag-sad face sa instagram, ay hindi naman umano nadadamayan ng mga artista ang mga katrabaho nilang naging dahilan umano ng kanilang pagsikat.
"Sa mga kasamahan kong artistang 'di nagsasalita: Ano? May career pa ba kayo?"
"Wala na, wala na kayong network. Kahit magpa-cute kayo diyan, sa Instagram, magsend kayo ng mha sad face, 'di n'yo nadadamayan ang mga katrabaho n'yo na dahilan kung bakit kayo sumikat!"
Ayon pa kay Ms. Angel na naiintindihan niya umano ang mga artista na dapat ay neutral lang umano sila pagdating sa usaping politika para wala umanong kalaban, pero kailangan na umanong magsalita lalo kung tama ang kanilang pinaglalaban.
_________________________________________________________________________
Hit Subscribe sa ating YouTube Channel:
www.youtube.com/c/artistafanbase
Like, Follow, and Share our Facebook Page:
www.facebook.com/artistafanbase
Related:
Kilala niyo ba ang mga naging anak ng Wowowee host na si kuya Willie Revillame sa kaniyang mga dating nakarelasyon? Alam niyo bang meron pa siyang anak na hindi pa niya nakikita?
Post a Comment