Si Nicomaine Dei Capili Mendoza o mas kilala sa Maine Mendoza ay nagdiriwang ng kaniyang ika-limang taon sa showbiz industry.
Anu- ano na nga ba ang narating ni Maine Mendoza sa showbiz?
Unang nakilala si Maine Mendoza sa kaniyang mga viral dubmash videos bago pa man siya nakilala bilang si Yaya Dub sa Eat Bulaga sa naging segment nitong "Kalyeserye" sa mismong "Juan for All, All forJuan." Ka-loveteam niya rito si Alden Richards at mas kilala ang kanilang samahan bilang "Aldub."
Related:
Siya ay nagwagi bilan Best Supporting Actress nuong 2015 para sa kanilang pelikulang My Bebe Love #KiligPaMore. Si Maine mismo ang nagsulat at kumanta ng themesong ng kanilang pelikula nuong 2016 para sa Imagine You & Me.
Nagkaroon rin siya ng kabi-kabilang mga parangal gaya ng Best New Female TV Personality nuong 2015, Favorite Pinoy Presonality nuong 2016, Princess of Philippine Movies nuong 2017, Best Box Office Queen nuong 2019, at marami pang iba.
Ngayong 2020 ay meron siyang nilabas na non-album single na "Parang Kailan Lang" kasama ang Gracenote na naging number 1 sa mga music ht charts ng ilang linggo.
Dahil sa kaniyang pagsisikap ay nakapagtayo na siya ng mga businesses at mga franchises ng mga fast food chain.
see:
Maine Mendoza's Journey sa Kaniyang ika-5th Anniversary sa Showbiz Industry.
Post a Comment