Ipinagtanggol ni Ogie Diaz ang aktres na si Angel Locsin mula sa netizen na nagsabing "lumobo" na raw umano ang aktres.
Sa twitter post ni Atty. Topacio, sinabi nitong lumobo na raw ang aktres gaya ng palabas nito sa GMA7 nuon na pinamagatang "LOBO."
"Yung show ni Angel sa GMA7 ay pinamagatang LOBO, kaya LUMOBO siya!😂😂😂"
Yung show ni Angel sa GMA7 ay pinamagatang LOBO, kaya LUMOBO siya!😂😂😂
— YesYesYo! (@YesYesYo13) July 20, 2020
Related: Pauleen, Pokwang, at Ria Atayde Lilipat Na Ba sa TV 5? | Artista Fanbase
Ang post na ito ni Atty. Topacio ay umani ng batikos mula sa iba't ibang netizen.
Ikaw matagal ka ng BUMOBO
— AJ De Leon (@theAJdeleon) July 23, 2020
Agad naman itong sinagot ni Ogie Diaz sa kaniyang facebook page na may larawan ng aktres na si Angel Locsin na makikita ang kaniyang pagtulong mula sa iba't-ibang sakuna o pangyayari na nangangailangan ng tulong.
"Bongga si Atty. Topacio kung me maise-share din siyang mga pagtulong sa mga nangangailangan, no?"
"Para hindi siya napagbibintangang parang bawang na lahat na lang, gusto niyang sahugan para maging relevant."
Saka kung me mga ganito sana siyang mga pics para hindi siya pagbintangang “famewhore.”
"Yun eh kung pwede lang naman bilang nagmamalasakit ako sa kanya."
Si Ogie Diaz ay aktor, kumedyante, at talent manager rin na ngayon ay humahawak na rin kay Enrique Gil.
_______________________________________________________________
Hit Subscribe sa ating YouTube Channel: www.youtube.com/c/artistafanbase Like, Follow, and Share our Facebook Page: www.facebook.com/artistafanbase Related:
Ang Pasilip Sa House Tour Ni Richard Yap | Artista Fanbase
Post a Comment