Ria Atayde, Hinimok ang mga Tao Na Gumising at Huwag maging Pipi
Matapos ang naging SONA 2020 ng Pangulong Rodrigo Duterte, ay maraming artista na ang nagsalita at naglabas ng kanikanilang opinyon.
Isa na diyan ang aktres na si Ria Atayde.
Sa kaniyang instagram post, sinabi niyang marami umano ang pinagdaanang opresyon ng bansa, sa pagpatay sa mamamayan, hanggang umano sa kawalan ng kakayahang humarap sa krisis at pandemya.
"Sa lahat ng nangyayari, nagiging mas mahirap ang kumapit sa pag-asa."
"Sa lumipas na apat na taon, ang dami nating pinagdaanang opresyon sa ating bansa — mula sa pagpatay sa mga mamamayan hanggang sa kawalan ng kakayahang humarap sa krisis at pandemya."
Umaasa umano siyang matatapos na ang panahon ng pananahimik umano at ang hindi raw pag-imik.
Hindi raw umano tayo pwedeng maging pipi at bingi sa mga abuso umano sa bayan at sa kababayan.
"Ang dami nating hinayaan at pinalipas... pero umaasa akong matatapos na ang panahon ng ating pananahimik at hindi pag-imik."
"Hindi tayo pwedeng maging pipi at bingi sa mga abuso sa ating bayan at mga kababayan. Tayo ay, bago ang lahat, mga Pilipino."
"Karapatan at tungkulin natin ang panagutin ang mga pinunong ating hinalal. Hindi natin pwedeng hayaang unahin nila ang kanilang pag-unlad habang ang ating mga kapwa Pilipino ay nagdurusa."
Related:
Narito ang kabuuan ng kaniyang mga sinabi.
Sa lahat ng nangyayari, nagiging mas mahirap ang kumapit sa pag-asa. Sa lumipas na apat na taon, ang dami nating pinagdaanang opresyon sa ating bansa — mula sa pagpatay sa mga mamamayan hanggang sa kawalan ng kakayahang humarap sa krisis at pandemya.
Ang dami nating hinayaan at pinalipas... pero umaasa akong matatapos na ang panahon ng ating pananahimik at hindi pag-imik.
Hindi tayo pwedeng maging pipi at bingi sa mga abuso sa ating bayan at mga kababayan.
Tayo ay, bago ang lahat, mga Pilipino. Karapatan at tungkulin natin ang panagutin ang mga pinunong ating hinalal. Hindi natin pwedeng hayaang unahin nila ang kanilang pag-unlad habang ang ating mga kapwa Pilipino ay nagdurusa.
Lumaban ka sa kahit anong paraang komportable para sa’yo. Pero pakiusap, manatiling mapagmatyag at wag magbulag-bulagan.
Lumaban ka sa kahit anong paraang komportable para sa’yo. Pero pakiusap, manatiling mapagmatyag at wag magbulag-bulagan.
Alam kong marami sa atin ay mas maginhawa ang kalagayan kumpara sa iba, pero tayo ay iisang bansa. Ang kinabukasan natin ay kinabukasan nila.
Kung ang Pilipinas ay lulubog, kasama tayong lahat na malulunod. (Pero baka hindi silang mga VIP — uubusin na nga lahat ng lifevests, magpapa-special rescue pa. Na buwis natin ang ipambabayad.) #ItoAngSONAKo #SONAngaling
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
Hit Subscribe sa ating YouTube Channel: www.youtube.com/c/artistafanbase Like, Follow, and Share our Facebook Page: www.facebook.com/artistafanbase Related:Classic Jollibee TV Commercials na Nakakamiss!! | Artista Fanbase
Post a Comment