Richards Yap's House Tour [Silipin ang Napakagandang Bahay]

Richards Yap's House Tour [Silipin ang Napakagandang Bahay]

Sa kaniyang YouTube channel pinasilip ng aktor na mas nakilala na si Sir Chief sa naging pagganap niya sa "Be Careful with My Heart" na si Richard Yap.

Sa labas pa lamang ng bahay ay makikita na ang kaniyang limang mga magagarang sasakyan. Talaga namang nababagay sa kaniyang napaka-garang bahay.
Pagpasok pa lamang ng bahay ay bubungad sayo ang paintings. Samantalang pagdating naman sa living area ay mararamdaman niyo na ang moderno at classic na theme ng kaniyang living room.

Related:

Pagdating naman sa dinning area ay hindi pa rin nawawala ang pagiging moderno nito. Ayon kay Richard ay maliit lamang ang lugar ngunit maaliwalas naman.
Ipinakita rin ng aktor ang kaniyang kitchen area at ang mga mamahaling kagamitan nito.
Sa pagiging fit at sexy naman, ay ipinakita niya ang kaniyang gym area na ayon sa kaniya ay gagawin sanang swimming pool.
Pero naging sakto naman ang gym area sa panahon ng pandemic dahil sa halos ay hindi ka na makalabas ng bahay at makapag exercise man lamang.
Hindi kataka-takang maraming netizens ang napa wow at napamangha sa ganda ng bahay na pinasilip ni Richard Yap sa publiko sa pamamagitan ng kaniyang youtube channel.
________________________________________________________________________
Hit Subscribe sa ating YouTube Channel:
www.youtube.com/c/artistafanbase
Like, Follow, and Share our Facebook Page:
www.facebook.com/artistafanbase
Related: 
Mga Celebrities Na Namayapa o Pumanaw sa Batang Edad Lamang Artista Fanbase

Post a Comment

Previous Post Next Post