Vhong Navarro at asawang si Tanya Bautista Takot Magka-Anak?

Vhong Navarro at asawang si Tanya Bautista Takot Magkaanak


 Vhong Navarro at asawang si Tanya Bautista Takot Magkaanak


Binigyang linaw ng aktor na si Vhong Navarro ang issue na natatakot umano sila ng asawa nitong si Tanya Bautista na magkaroon ng anak.


Sa media launch na kaniyang pelikulang "Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim," nilinaw nitong natatakot umano sila, dahil sa kanilang edad. Ayon sa kaniya, masyado na raw late para sa kanilang edad na magkaroon pa ng anak.


"Hindi talaga natatakot, kumbaga ang pagkakasabi natatakot kasi sa age, actually sa age namin, sa age niya na para sa kanya ay masyado ng late raw 'yung ganung age na 'yon para gumawa pa kami,"


"Tapos parang tinitingnan din namin, parang kapag ilang taon na kami eh baka hindi ba 'yung anak namin parang masyado pa ring bata. Parang naano niya sa mga anak ko, 'yung mga anak ko ngayon ay isang 24, isang 22... 'Yun lang naman 'yung takot namin, sa age namin,"


Nagkataon lang umano na may pandemya kaya nabigyan ng ibang kulay ang usapin.

"Siyempre naghalo-halo na eh. Hindi ba ang trabaho pala natin ngayon akala mo established na, maganda na 'yung trabaho mo, puwede pala mawala sa isang iglap, hindi ba? So hindi mo na masabi. Kaya ang hirap paano ka ulit magsisimula. Tapos parehas pa kaming nagtatrabaho sa ABS-CBN, hindi ba parang hindi natin hawak. Parang 'yun' yung mga naiisip namin during the pandemic,"


__

Please like and share our amazing Facebook posts to support the Artista Fanbase team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!


▪▪ Share us your thoughts by simply leaving in the comment section below. For more news and latest updates, please Subscribe to our Youtube Channel. Thanks for watching.

Post a Comment

Previous Post Next Post