Alessandra, Ipinagtanggol si Piolo Kaugnay sa SONA ng Pangulo


Pinasinungalingan ng actress na si Alessandra de Rossi ang mga kumakalat na issue na kasama si Piolo Pascual sa gagawing State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa mga balita ay tinanggihan ng local na pamahalaan ng Sagada ang pag-shoot nito na gagawin sana nila director Joyce Bernal.

Sa tanong ng netizen kung kasama ba si Piolo Pascual sa gagawing shooting sana para sa SONA.
"I think one thing should be cleared. Pumunta ba siya dun to tend his property or for SONA shooting? Based on this thread he's part of the advance party."

Sa kaniyang twitter account ay sinagot ni Alessendra ang mga tanong kung kasama ba sa gagawing shooting ni Ms. Joyce Bernal ang actor na si Piolo Pascual.
“No. He has a bigger project. Not related to politics, but to show the beauty of the Philippines,”

Dagdag pa niya:
"Sayang. But time will come pag pwede na I shoot yun. Nakakapagshooting na nga yung iba eh! Ito, bundok lang kukunan nya. 😂😂😂"

Sa July 27 nakatakda ang ika-limang SONA ni Pangulong Rodrigo "Roa" Duterte.

Post a Comment

Previous Post Next Post